Umaabot sa P10 milyong halaga ng mga ipinagbabawal na gamot ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa isang punerarya sa lungsod ng Cebu .
Personal na sinaksihan ni PDEA Deputy Director-General Ricardo Quinto ang ginawang cremation kaninang umaga sa isang punerarya ,sa utos ni Cebu City RTC Executive Judge Mori Nueva ang pagsunog nito, matapos maresolbar na ng korte ang mga kaso nito.
Ayun kay Quinto ang pagsunog sa mga ipinagbabawal na gamot ang paraan upang maiwasan na marecycle ang mga ito .
Kabilang sa sinunog na mga ilegal na druga ay shabu , nubain at marijuana.
Facebook Comments