
Bubusisiin ni Senate President pro-tempore Ping Lacson sa budget deliberations kung bakit pinayagan ang P100 billion na insertions ng mga senador sa National Budget noong 19th Congress.
Ayon kay Lacson, nagulat siya dahil sa Senado pa lang ay nasa P100 billion na ang individual insertions ng mga senador kahit pa ito ay For Later Release o FLR.
Sinabi ng senador na bubusiin niya ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno, lalo na pagsapit sa plenaryo, kung bakit hinayaan ang ganitong kalaki ng budget insertions.
Aalamin ng senador kung ilan sa mga naisingit na pondo ang na-release at kung paano ito naipatupad.
Hihimayin din ni Lacson ang mga kongresistang nagsingit ng pondo, bagama’t mahaba ang listahan nito.
Dagdag ni Lacson, hindi pa siya nakakita ng ganitong kalaking budget insertions kahit pa noong hindi pa nadedeklarang unconstitutional ang pork barrel.









