Inaasahang mabilis na makakalusot sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na P100 dagdag sa minimum wage sa lahat ng mga manggagawa at empleyado sa pribadong sektor.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, pangunahing may-akda ng panukala, walang senador ang tumutol at marami sa mga kasamahang mambabatas ang naghayag na maging co-author ng bill.
Bukod dito, marami ring sektor ang mas nananawagan at nagra-rally ng wage increase kumpara sa Charter change.
Samantala, iginiit din ng isa pang may-akda ng panukala na si Senator Ramon Bong Revilla Jr., na napapanahon na para maitaas ang sweldo ng mga nagtatrabaho sa private sector.
Pagbibigay-diin ni Revilla, ang umento sa sahod ay hindi lamang patas kundi ito’y nararapat dahil matagal din itong hinintay ng mga manggagawang itinuturing na “backbone” ng ating ekonomiya.