P100-K, PAPREMYO PARA SA ISABELA’S GOT TALENT

CAUAYAN CITY – Inaanyayahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang nga talentadong IsabeleƱos na sumali sa gaganaping Isabela’s Got Talent na magsisimula na sa July 5, 2024.

Gaganapin ang nasabing kompetisyon sa Balcon Del Norte, Queen Isabela Park, tuwing araw ng Biyernes, alas-sais ng gabi.

Sa mga nagnanais na lumahok sa nasabing patimpalak ay maaring mag register sa pamamagitan ng inilabas na QR code sa Facebook page ng Isabela PIO.


Samantala, ang tatanghaling winner naman ay mag-uuwi ng tumataginting na P100,000.

Bukas din ito para sa solo, o grupo, at dapat hindi lalampas sa edad na 65.

Para sa iba pang detalye, inaabisuhan ang mga interesado na suriin ang inilabas na mechanics sa FB page ng Isabela PIO.

Facebook Comments