Kailangan pa ng Senado ng panahon para pag-aralan ang P100 Million na alokasyon sa bawat mga kongresista sa ilalim ng 2020 National Budget.
Ito ang inihayag ni Senate President Tito Sotto III matapos lumusot kahapon sa third and final reading ng kamara ang P4.1 Trillion na pambansang pondo.
Tiniyak naman ni Sotto na hindi nila mamadaliin ang paghimay sa budget.
Hindi rin aniya hahayaan ng Senado na may makakalusot “pork insertions”.
Matatandaang noong nakalipas na taon ay hindi agad naipasa ang panukalang budget dahil sa umano’y pork insertions ng ilang mga Kongresista.
Facebook Comments