P1,000 dagdag pensyon sa mga retiradong miyembro, hindi na maibibigay ng SSS; Saving Program, inilunsad

Isinantabi na ng Social Security System (SSS) ang ipinangakong ₱1,000 dagdag pension para sa kanilang retirado miyembro.

Ayon kay SSS Benefits Administration Vice President Joy Villacorta, mababawasan kasi ng 10 taon ang buhay ng pondo ng ahensya kung ibibigay ang pension hike.

Sa halip, inilunsad ng SSS ang Workers’ Investment and Savings Program (WISP), kung saan pasok ang mga kumikita ng lagpas ₱20,000 kada buwan.


Magsisimula aniyang kaltasan ang mga kuwalipikado sa programa sa Enero 2021.

Paliwanag ni Villacorta, ang bagong programang ito ay para magkaroon ng dagdag na paghuhugutan ng pondo ang mga manggagawa sa panahon ng kanilang retirement.

Puwede ring sumali sa programa ang mga Overseas Filipino Worker (OFW), self-employed, at voluntary members.

Tiniyak din ng SSS na i-invest nila nang maayos ang savings para lumago ang ipon ng kada miyembro at may dagdag-benepisyo sa kanilang pagreretiro.

Facebook Comments