MANILA – Siguradong matatanggap na ang isanlibong (P1,000) dagdag na pensyon sa Social Security System (SSS) sa Enero 2017.Nakatakdang ibaba ng ahensya ang kautusan para sa umento sa mga susunod na araw.Bukod sa dagdag pensyon sa Enero nakalagay din sa kautusan na muling magkakaroon ng isanlibong pisong umento, bago dumating ang 2022 o sa mismong taon ng 2022.Paliwanag ni SSS Chairman Amado Valdez, kailangan unti-untiin ang umento para matiyak na may sapat na pondo ang ahensya.Ibaba ng SSS ang kautusan, kahit nakabinbin pa sa kamara ang mga panukalang batas para sa P2,000 umento.Aminado naman si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na naging malamig ang ilang mambabatas sa panukalang sa 2022 pa posibleng matanggap ang susunod na umento.Target ng kamara na dalhin ang mga panukalang batas sa plenaryo bago magpasko, matapos na aprubahan ito ng house committee at ng komite sa senado.Una nang hinarang ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang nasabing panukalang batas noong 16th congress dahil hindi umano ito kakayanin ng SSS.
P1,000 Na Dagdag Pensyon Sa Sss, Tiyak Ng Matatanggap Sa Enero – Pero, Susunod Na Umento Sa 2022 Pa Maibibigay
Facebook Comments