P10,000 ayuda para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino, iginiit sa gitna ng nagtataasang presyo ng mga bilihin

Muling iginiit ng Economic think tank na IBON Foundation ang kalahagahan ng pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

Sinabi ito ni IBON Foundation Executive Director Sonny Africa sa panayam ng RMN Manila kaungay sa patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Africa, malaking kaginahawahan ang pagbibigay ng 10,000 pisong ayuda ng dalawang hanggang tatlong beses sa mga pamilyang Pilipino na lubusang naapektuhan ng halos dalawang taon na lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.


Kinalampag din ni Africa ang kakayahan ng gobyerno na pondohan ang mga infrastructure project, pagbayad ng utang at pagbigay ng subsidiya sa mga kompanya ngunit pahirapang magbigay ng ayuda sa mga nangangailangan.

Mababatid na sinabi rin ng IBON Foundation na dapat P1,072 ang kailangan ng pamilyang Pilipino na may limang miyembro upang matustusan ang pangangailangan kada araw.

Facebook Comments