Pinatutulungan ni Cagayan Representative Rufus Rodriguez sa gobyerno ang pamilya ng 301 Overseas Filipino Workers (OFW) na nasawi sa ibang bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon Rodriguez, isusulong niya na mabigyan ng tig-P100,000 na financial aid ang bawat apektadong pamilya ng mga OFW na nasawi sa ibang bansa sa ilalim ng ‘Bayanihan 2’ o ‘Bayanihan to Recover as One Law’.
Hindi man aniya kalakihan ay malaking tulong kung mabigyan ng ayuda ang mga naiwang pamilya ng mga ikinukunsidera nating mga bagong bayani ng bansa.
Dapat aniya sa ‘Bayanihan 1’ pa lamang ay naisama na ang naturang assistance dahil ang mga displaced OFW ay may natanggap naman na tulong.
Kamakailan lamang nang magsimula ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa repatriation ng labi ng mga nasawing OFW kung saan 100 sa mga ito ay namatay dahil sa COVID-19.