CAUAYAN CITY -Ipinasakamay ng City Government ng Tabuk ang P100-K sa Kalinga Cancer Care Ministry Incorporated.
Ang nasabing halaga ay bilang suporta ng pamahalaan sa mga indibidwal na sumasailalim sa mga cancer treatment and medication.
Nagpahayag naman ng tuwa at pasasalamat ang organisasyon dahil sa financial aid na natanggap at hinikayat ang mga indibidwal sa patuloy na suporta para malabanan ang sakit na cancer.
Ilan sa layunin ng kanilang samahan na mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga cancer patient sa pamamagitan ng pagbibigay ng emotional support, at cancer awareness sa mga komunidad.
Facebook Comments