P100K Reward inilaan ng LGU Shariff Aguak para sa makapagturo ng responsable sa IED Explosion

Naglaan ng 100 libong piso na reward ang local Government Unit ng Shariff Aguak sa sinumang makakatulong na makapagturo sa responsable sa pagpapasabog ng IED na nagresulta ng pagkakasawi ng dalawang indibidwal kabilang na ang isang Police Master Sergeant at isang sibilyan at pagkakasugat ng 4 pang pulis July 9 ng gabi.

Mariin ring kinikondena ng LGU sa pamumuno ni Mayor Marop Ampatuan ang nasabing insidente. Ikinalungkot nito na ang naging biktima ay mga elemento ng kapulisan na nagpapatupad na katiwasayan sa bayan.

Matatandaang gabi ng huwebes ng masabugan ng IED ang Police Vehicle di lamang kalayuan sa Maguindanao Provincial Headquarter. Sinasabing halos lahat ng mga naging wounded ay nakalabas na rin ng ospital.


Samantala, kahapon ng hapon, isa namang IED ang sumabog sa highway ng Brgy Meta sa Datu Unsay.

Nailagay ang IED sa gilid ng daan at eksaktong sumabog ng mapadaang ang KM Military Vehicle . Wala namang may nasaktan. Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Facebook Comments