Arestado ang isang lalaki sa bisa ng search warrant na inihain ng awtoridad sa Bolinao, Pangasinan.
Nakumpiska ng awtoridad ang humigit kumulang 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P102,000 pesos.
Tinukoy ang suspek na kabilang sa listahan ng mga drug personality sa lugar na nagtutulak ng ilegal na droga sa lugar.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa kaso ng suspek, na posibleng humarap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165). |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









