P104.2 MILLION PESOS FARM-TO-MARKET ROAD, IPINASAKAMAY SA 4 NA BARANGAY NG NAGUILIAN

CAUAYAN CITY – Pormal ng ipinasakamay ang 7.19 kilometer na farm-to-market road sa 4 na barangay ng Naguilian, Isabela.

Ang mga barangay na ito ay ang Quinalabasa, Sta. Victoria, Bagong Sikat, at Cabaruan.

Nagkakahalaga ng P104.2 million pesos ang inilaang pondo kung saan P83.8 million pesos ay mula sa World Bank, P10.4 million pesos ay mula sa Government of the Philippines, at P10.4 million din ay mula sa Municipal Government ng Naguilian.


Watch more balita here: 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥𝗘𝗗 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗣𝗣𝗜𝗟, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

Ang nasabing proyekto ay makatutulong sa 446 na sambahayan, 565 na magsasaka, at 1,915 na mamamayan kung saan mas mapapadali na ang kanilang paglabas ng kanilang mga produckto katulad ng palay, mais, cassava, mangga, coconut, at sugarcane.

Facebook Comments