Saturday, January 17, 2026

P10B pesos na cancer fund, itinutulak ng isang senador

Ipinalalaan ng isang senador ng P10 billion ang gamutan sa sakit na cancer para sa mga mahihirap na pasyente.

Sa Senate Bill 1057 na inihain ni Senator Jinggoy Estrada, pinagtatatag ang gobyerno ng P10 billion Cancer Medicine and Treatment Assistance Fund.

Ito ay gagamitin para sa gastusin sa cancer diagnostics, chemotherapy, radiotherapy, operasyon, at maintenance medicines ng mga pasyente.

Ang PhilHealth sa pamamagitan ng mga accredited na government hospitals ang mangangasiwa sa naturang programa at siya ring tutukoy sa mga indigent at mga mahihirap na pasyenteng may cancer.

Pinaglalatag naman ng malinaw na pamantayan sa kwalipikasyon, mas pinadaling proseso ng aplikasyon at regular na audit para matiyak na hindi maaabuso ang pondo.

Facebook Comments