P11.7-B, inilaan ng DND para sa ballistic helmet at body armor ng mga sundalo

Nais bumili ng pamahalaan ng mga karagdagang gamit para sa mga sundalo.

Kasunod nito, naglaan ng P11.7 billion ang Department of National Defense (DND) na pambili ng ballistic helmet at body armor para sa karagdagang proteksyon ng 115,000 sundalo ng Philippine Army.

Itinakda ang budget para sa ballistic helmet project sa halagang P2,8-B; habang P8,8-B naman ang budget para sa 115,000 unit ng military body armor.


Ang bidding ay bukas sa lokal at dayuhang suplayer alinsunod sa itinatakda ng 2016 Revised Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act.

Ang mga mananalong bidder ay kailangang makapag-deliber ng kabuuang suplay ng ballistic helmet at body armor sa loob ng limang taong sa taunang batch na tig-23,000 piraso.

Facebook Comments