P11-M tulong, naipagkaloob sa mga naapektuhan ng Bagyong Goring

Nakapagbigay na ang pamahalaan ng mahigit P11 million tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng Bagyong Goring.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang tulong ay ipinagkaloob sa mga apektadong residente ng Regions 1, 2, 3, 6, MIMAROPA at CAR.

Kabilang sa mga ayudang ipinagkaloob ay family food packs, inuming tubig, hygiene kits, kitchen kits, ready to eat foods at iba pa.


Mayroon ding binigyan ng financial at relief assistance.

Samantala, sa pinakahuling tala ng NDRRMC, sumampa na sa 85,395 pamilya o 305,481 indibidwal ang naaapektuhan ng Bagyong Goring sa bansa.

Facebook Comments