P115M infra projects sa Marawi city, sinimulan na!

Pinangunahan nina ARMM Governor Mujiv Hataman at Marawi City Mayor Majul Gandamra ang ground breaking ceremony ng dalawang infrastructure projects sa Marawi city na nagkakahalaga ng P115 million.
Ang mga proyekto ay kinabibilangan ng Integrated Market, Food and Transport Terminal sa Barangay Buadi Sacayo na nagkakahalaga ng P90-Million at Rehabilitation ng City Hall at City Health Center na nagkakahalaga ng P25-Million–ang mga ito ay joint ventures ng ARMM Government at ng Marawi City Government.
Sinabi ni Governor Hataman na ang mga proyekto ay bahagi ng rehabilitation efforts ng regional government para sa Marawi City.(photo credit:bpiarmm)

Facebook Comments