P12-M halaga ng shabu, nakumpuska sa buy bust operation sa Cebu City

Cebu City – Dalawang babae ang naaresto sa buy-bust operation na inilunsad ng City Intelligence Branch (CIB) ng Cebu City Police Office sa Sitio Mangga, Barangay Tisa sa lungsod ng Cebu.

Ang mga naaresto ay nakilala na sina Trinidad Lumactud, 46 na taong gulang; at Mheacy Empasis, 23 na taong gulang, estudyante ng isang unibersidad sa lungsod ng Cebu.

Ginawa ng CIB ang operasyon matapos ang dalawang buwang surveillance sa pagbebenta ng droga ng dalawang suspek.


Nakumpiska mula sa kanila ang mahigit 1,000 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P12 milyong piso .

Inaalam na ng kapulisan kung saan galing ang ganito kalaking bulto ng shabu na nakumpiska mula sa mga suspek.

Facebook Comments