P12-MILYONG AYUDA MULA SA DSWD, IPINAMAHAGI SA 4K INDIBIDWAL MULA SA APAT NG BAYAN SA PANGASINAN

Kabuuang apat na libong mga benepisyaryo mula sa apat na bayan sa Pangasinan ang nakatanggap ng ayuda mula sa ahensyang Department of Social Welfare and Development kahapon, Lunes.
Sa naging pagbisita ni Sen. Imee Marcos sa mga bayan ng Alcala, Basista, Mangatarem at Urbiztondo, kanyang pinangunahan ang payout sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Bawat bayan, mayroong tig-1000 benepisyaryo at tumanggap ang bawat Isa ng tig-3,000 Piso.

Naging matagumpay ang distribusyong ito dahil sa pangunguna ng nabanggit na Senadora.
Matatandaan din na nitong mga nakalipas na linggo ay bumisita na rin ito sa mga bayan ng Calasiao, Sta. Barbara, Binmaley at Dagupan City at namigay rin ng naturang tulong sa mga apektado ng pagbaha at bagyo.
Samantala, ang mga lugar na nabanggit ay pawang mga lugar na nagdeklara ng State of Calamity dahil sa bagsik ng sama ng kalamidad. |ifmnews
Facebook Comments