Aprubado na ng Maharlika Investment Corporation (MIC) Board ang P125 bilyon capitalization scheme para sa Maharlika Investment Fund.
Sa isinagawang inaugural meeting board members ng MIC kahapon, napag-usapan ang tuluyang pagpapatakbo o full operation ng Maharlika Fund.
Siniguro naman ni Finance Secretary at MIC Board ex-Officio Chairman Benjamin Diokno ang pinakamataas na standards ng accountability, fiscal responsibility at good governance sa pamamahala ng kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas.
Pangako rin ni MIC President Chief Executive Officer Rafael Consing Jr., na hindi lamang sila magiging tagapangalaga ng yaman ng bansa sa halip magiging mga arkitekto sila sa paglago at kasaganahan para sa mga Pilipino.
Una nang nakapag-remit ang Landbank at Development bank of the Philippines ng kabuuang 75 bilyong pisong capital investment sa Maharlika fund.