Mandaluyong City. Isa na namang maswerteng lotto player na bumili ng kanyang ticket sa Valenzuela City ang naging instant millionaire ng kaniyang napanalunan ang Php128,397,144.80 jackpot prize ng GrandLotto 6/55 matapos mahulaan ang tamang kumbinasyon na 02-12-22-27-03 at 29 na binola noong Miyerkules, September 23, 2020.
Higit sa isa pa ang naging maswerte sapagkat ang 43 na manlalaro naman na nakakula ng 5 tamang numero ay nanalo din ng halagang P100,000.00 bawat isa, habang ang 1,653 na manlalaro na nakakuha ng 4 na tamang numero ay nanalo ng P1,500.00 bawat isa at 15,799 na nakakuha ng 3 tamang numero ay nanalo naman ng halagang Php 60.00 bawat isa.
Muling pinapaalala ng PCSO na ang mga ahente ng lotto ng ay may karagdagang 1% mula sa premyong jackpot o hindi lalagpas sa P1 milyon bilang karagdagang komisyon ng ahente na nakabenta ng nanalong ticket.
Para makuha ang jackpot prize, ang winner ay kailangang magpunta sa Main Office ng PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Importanteng magdala ng dalawang (2) valid government issued ID at higit sa lahat dalhin ang winning ticket para sa beripikasyon.
Samantala, ang PCSO ay nagpahayag na sa September 23, 2020, ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) para sa lugar na sumusunod: Abra, Nueva Vizcaya, Province of Ilocos Norte, Province of Ilocos Sur, Province of Surigao Del Sur, Provinces of Davao Del Sur excluding Davao City, and Olongapo City, Zambales ay pinayagan nang muling magmagpalaro.
Nagpapasalamat si GM Royina M. Garma sa publiko para sa patuloy na suporta sa palarong may puso ng PCSO gaya ng, STL, Lotto and Digit games, Keno and Instant Sweepstakes Scratch-it tickets. Ang puso ng PCSO ay para sa mga Pilipinong nangangailangan dahil ang revenue mula sa mga palaro ng PCSO ay makakatulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng mga Charity Programs ng Ahensya, pahayag pa ni Garma.
Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola at mapapanuod tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado ng live sa PTV-4 tuwing 9:00 ng gabi.
Para sa karagdagang impormasyon at iba detalye ng mga laro, produkto at serbisyo ng PCSO mangyaring bisitahin ang PCSO official website www.pcso.gov.ph, PCSO FB page https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at ang PCSO GOV para sa YouTube.
“Sa PCSO, bawat pisong tulong, tungo sa pagsulong.”