P129-M na halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA sa Cavite

182

Nakumpiska ang abot sa P129 million na halaga ng shabu sa isang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite.

Sa report na nakarating kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nagsagawa ng buy bust operation sa Bacoor City, Cavite na nagresulta sa pagkasakote kina Michelle Castro Bardelosa, 39-anyos, at isang menor de edad na lalaki.


Isinagawa ang operasyon sa mismong bahay ni Bardelosa sa Block 14 Lot 24, Phase 1 Avida Settings, Brgy. Molino.

Nakumpiska sa operasyon ang mahigit dalawang kilo ng shabu.

Ayon kay Villanueva, dahil sa pagka-aresto kay Bardelosa, inaasahang mapuputol ang drug supply sa Cavite area at Southern Tagalog region.

Facebook Comments