P12M SUPER HEALTH CENTER, ITATAYO SA MANGATAREM

Sisimulan na ang pagtatayo ng makabango at kauna-unahang Super Health Center sa bayan ng Mangatarem matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony sa Brgy. Parian.
Saklaw ng mga libreng serbisyong hatid nito sa mga residente ang out-patient Department, birthing, isolation, laboratory tulad ng X-Ray at Ultrasound, ENT services, oncology centers, physical therapy and rehabilitation centers.
Mayroon ding pharmacy at ambulatory surgical unit at telemedicine and database management para sa mga pasyente.

Binigyang-diin ni DOH Ilocos Regional Director Paula Paz Sydiongco ang kahalagahan ng mga SHC sa pagpaprayoridad ng kapakanang pangkalusugan ng bawat residente sa gitna ng kinakaharap na suliranin ng mga ito tulad ng pahirapang pagpunta sa mga pampublikong ospital.
Samantala, nasa labindalawang milyong piso naman ang pondong inilaan dito mula sa DOH – Health Facility Enhancement Program 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments