Nasabat ng Bureau of Customs- Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang P13.5 milyong halaga ng iligal na droga sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City nitong Biyernes.
Ayon sa BOC-NAIA, ang parcel ay una nang idineklara bilang mga de-latang pagkain at prutas mula sa Denmark at naka-consign sa isang indibidwal sa Taguig City.
Subalit, lumabas sa field-testing ng PDEA na ang mga paketeng nasa loob ng parcel ay naglalaman ng 5,033 piraso ng ecstasy tablets at 998 gramo ng ketamine.
Umabot sa P13,546,100 ang kabuuang halaga ng ilegal na droga.
Mahaharap naman ang consignee sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Section 1401 (Unlawful Importation) sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act.
Facebook Comments