P13.7M HALAGA PARA SA PROYEKTO NG 20 BARANGAYS SA ISABELA, IPINAMAHAGI NG DSWD RO2

Cauayan City, Isabela- Personal na ipinasakamay ng DSWD Region 2 ang P13.7 milyon na Municipal Block Grants sa 20 na Barangay sa bayan ng Sta. Maria sa Lalawigan ng Isabela.

Kasabay ito sa isinagawang Simultaneous groundbreaking ng Community-Managed Concreting of Barangay Access Road with Slope Protection o crib wall.

Ang nasabing halaga ay sa ilalim ng KALAHI-CIDSS project kung saan ang 90 na porsyento sa naturang pondo ay ilalaan para sa sub-project ng 20 na barangay sa Sta. Maria.


Bukod dito, dadagdagan pa ng LGU Sta. Maria ng halagang 3.8 milyon pesos ang ipinagkaloob na pondo ng DSWD RO2.

Una nang napabilang ang bayan ng Sta. Maria sa pilot LGU para sa implementasyon ng KALAHI-CIDSS.

Sa pamamagitan nito ay natukoy ang mga pangangailangan ng komunidad sa pamamagitan ng isinagawang rapid damage assessment needs analysis ng nasabing ahensya.

Facebook Comments