Aabot sa 13 bilyong piso ang posibleng mawala sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ngayong taon matapos hindi matuloy ang nakatakdang pagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro nito.
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Rey Baleña, ang pagtataas ng kontribusyon sa 3.5 percent mula sa 3 percent ay mapupunta dapat sa nakareserbang pondo ng ahensiya.
Pero dahil maraming hindi pumabor at nagresulta pa ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang pagpapatupad ng contribution hike, naging atrasado ang pondo.
Sa ngayon, tiniyak ng PhilHealth na bagama’t hindi natuloy ang pagtataas ng kontribusyon, pipilitin pa rin nilang magkaroon ng maraming proyekto gamit ang nasa 137 bilyong pisong natitirang reserve funds.
Facebook Comments