Napigilan ang paglaganap ng illegal drugs sa Western Mindanao Region dahil sa intelligence report na ibinahagi ng Naval Forces sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nagresulta ito sa pagkakalambat ng dalawang high value target ng PDEA sa Zamboanga City.
Isinagawa ang anti-illegal drugs operation sa parking lot ng isang fast food chain sa Nunez Extension, Barangay Camino Nuevo, Zamboanga City.
Nakumpiska sa operasyon ang nasa dalawang kilo ng shabu na may estimated value na higit ₱13-M.
Dinala na sa Zamboanga City Forensic Unit ang mga nakumpiskang mga droga para sa gagawing pagsusuri habang nasa kustodiya na ng mga otoridad ang hindi pa pinangalanan na mga suspek.
Facebook Comments