Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 ang nasa P130 milyon halaga ng ilegal na droga.
Nasa P46 milyon na ilegal na droga mula sa Ilocos Region at P84 milyon naman mula sa Cordillera ang sinira ng ahensya sa isang pribadong kompaniya sa La Union.Ang mga iligal na droga umano ay itinurn over ng regional trial courts at police crime laboratories mula sa dalawang rehiyon.
Ayon kay Bismark Bengwayen, tagapagsalita ng PDEA Region 1, minabuti umanong sirain ang mga iligal na droga upang hindi na mapunta pa sa ibat-ibang barangay sa rehiyon at mawala ang agam agam na ito ay inire-recycle.
Sa ngayon, namamayagpag ang barangay drug clearing operations ng ahensiya upang tuluyang masugpo ang iligal na droga sa rehiyon.
Facebook Comments