Aabot sa ₱133 million ang inilaang pondo para sa pagsasagawa ng pag-aaral kung ligtas bang gumamit ng magkaibang COVID-19 vaccine doses at vaccine platforms sa mga Filipino adults.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, ang pag-aaral ay isasagawa ng Philippine Society for Allergy, Asthma and Immunology (PSAAI) sa pangunguna ni Dr. Michelle de Vera.
Aalamin sa pag-aaral kung pwedeng mag-“mix-and-match” ng dalawang magkaibang bakuna.
Gagawin ang pag-aaral sa loob ng 18 buwan simula Hunyo 2021 hanggang Nobyembre 2022.
Layunin din ng pag-aaral na malaman kung ang high-risk population na nakakumpleto na ng bakuna ay maaari pang mapalakas ang immune response kapag nabigyan ng booster dose.
Facebook Comments