P134M HALAGA NG PROYEKTONG PANG-AGRIKULTURA, ISASAKATUPARAN SA MAGUINDANAO AT NORTH COTABATO!

Libu-libo na namang magsasaka sa Maguindanao ang mabebenipisyuhan ng proyektong pinopondohan ng Gobyerno ng New Zealand.
Ito ay ang “Support to Agriculture-Based Livelihoods and Agribusiness Enterprises for Sustainable Peace and Development in Maguindanao and North Cotabato Provinces” na isinasakatuparan ng Food and Agriculture Organization of the United Nations o UN-FAO katuwang ang Department of Agriculture-Maguindanao.
Layunin ng programa na makapag-ambag sa pagtamo ng kapayapaan, kaunlaran at paglago ng pamumuhay ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapanumbalik ng kanilang kabuhayan at pagpapataas ng antas ng kanilang negosyong pang-agrikultura.
Ang mga bayan sa Maguindanao na kasama sa proyekto ay Datu Abdullah Sangki, South Upi, North Upi, Sultan Kudarat, at Rajah Buayan.
3,050 farming households o 15,250 na magsasaka ang beneficiaries ng proyekto mula sa limang bayan ng Maguindanao at anim na bayan sa North Cotabato.
Nagsimula ang proyekto Hunyo 2018 at inaasahang magtatapos sa Pebrero 2021.
Magtatagal ito ng 33 buwan o halos tatlong taon.
$2.583M o P134M ang pondo para sa proyekto na kaloob ng New Zealand Government.

Facebook Comments