P136-M na halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa buy bust operation ng PDEA sa Baguio City

Abot sa P136 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy bust operation sa Green Valley Subdivision, Brgy. Dontogan, Baguio City.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng apat na drug suspects kabilang ang isang police officer na kasama sa listahan ng high value targets.

Nakumpiska sa operasyon ang nasa 20 piraso ng heat-sealed transparent plastic pack na tumitimbang ng 20 kilos


Inihahanda na ng PDEA ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mga arestado.

Facebook Comments