Timbog ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Brgy. Tebeng, Dagupan City, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si alyas “Mike” 40 anyos at residente ng Calasiao. Nakumpiska sa suspek ang humigit kumulang 20 gramo ng shabu na nakasilid sa apat na plastic sachet at tinatayang nagkakahalaga ng P 136,000.
Nasa kustodiya ng Dagupan City Police Station ang suspek para sa tamang disposisyon. Sasampahan ito ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments