P136K HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA TATLONG KATAO SA DAGUPAN CITY

Nasamsam ng mga awtoridad ang aabot sa P136,000.00 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dagupan City, Pangasinan.

Tatlong lalaking suspek ang naaresto sa naturang operasyon.

Nakumpiska sa mga suspek ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000.00.

Kulong ang mga suspek na nahaharap sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments