Ito ay makaraang isagawa ang final inspection ng Philippine Rural Development Project Support Office (DA-PRDPSO) at Regional Project Coordination Office (RPCO) 2 sa naturang proyekto.
Ayon kay DA Region 2 Regional Director Narciso Edillo, ang konstruksyon sa Tiblac-Dulli Farm to Market Road (FMR) ay pinondihan sa pamamagitan ng Philippine Rural Development Project (PRDP) na may mahigit P139 milyon.
Ani Edillo, sa pamamagitan nito ay mababawasan na ang gastos sa transportasyon at travel time sa pagbebenta ng kanilang produktong kamatis sa merkado.
Magbebenepisyo sa naturang proyekto ang mga upland farmers ng barangay Ammoweg, Napo, Camandag, Poblacion, Dulli, Salingsingan, Labang at Tiblac.
Kabilang sa mga itinatanim na gulay sa lugar ang mga cabbage, squash, tomato, snap pole beans at potato.