P14.3 billion pondo para sa mga healthcare workers, naipamahagi na – DOH

Umabot na sa P14.3 billion ang naipamahagi na ng Department of Health (DOH) sa mga healthcare worker mula sa iba’t ibang health facilities sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sakop nito ang mga benepisyo para sa September 15 hanggang December 19, 2020 (period 1), at December 20, 2020 hanggang June 30, 2021 (period 2).

Sa period 1, P6.4 billion ang naibigay bilang active hazard duty pay sa 384,159 healthcare personnel at special risk allowance para sa 306,314 health workers.


Dagdag pa dito ang P990.9 million para sa pagkain, akomodasyon at transportation allowances para sa 103,096 healthcare workers.

Samantala… sa Period 2, umabot sa P6.9 billion halaga ng SRA ang naipalabas para sa 379,117 health workers at P16 million worth of life insurance para naman sa 32,281 healthcare personnel.

Nakapamahagi rin ng P570 million sa 24,034 medical frontliners bilang kompensasyon sa pagkakasakit at pagkamatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments