P14.4 MILYON PROYEKTO SA SANTIAGO, MALAPIT NANG MATAPOS

CAUAYAN CITY – Pinapabilis na ng Department of Public Works and Highways – Isabela 4th District Engineering OFfice (DPWH-IFoDEO) ang road concreting project mula Barangay Rizal hanggang Barangay Salvador sa syudad ng Santiago.

Ayon kay District Engineering Evelyn Costales, makatutulong ang nasabing proyekto upang mas mapadali ang pag-access sa local mung bean (munggo) industry sa Barangay Salvador.

Dagdag pa nito na mas mapapabuti ang koneksyon sa pagitan ng Barangay Salvador at Rizal kung saan 16, 450 residents ang mabebenipisyuhan dito.


Watch more balita here: PAGPAPADALA MULI NG BASURA, PINAPLANO NG NORTH KOREA

Ang pondong inilaan sa nasabing road concreting project ay nagkakahalaga ng P14.4 million pesos sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) 2024.

Sa ngayon, nasa 66.20% na ang natapos sa naturang proyekto at inaasahan itong matatapos sa buwan ng Nobyembre ngayong taon.

Facebook Comments