P14.7-M HALAGA, INILAAN PARA SA “SILAW ITI UMILI” PROGRAM

CAUAYAN CITY – Natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya ang 3,000 units ng solar panels para sa kanilang programang “Silaw iti Umili”.

Pinangunahan ni Gov. Atty. Jose Gambito ang “Silaw iti Umili” program kung saan binigyang diin nito na makatutulong ito upang mabigyan ng alternative source of energy ang mga tahanang hindi pa naabutan ng serbisyo ng Nueva Vizcaya Electric Cooperative (NUVELCO) lalong-lalo na sa mga liblib at malalayong lugar ng nasabing lalawigan.

Nagsagawa rin ng masusing validation process ang Provincial Engineering Office ng Nueva Vizcaya bilang hakbang sa pagtukoy ng magiging benepisyaryo ng naturang programa upang maibahagi ito sa mga tunay na nangangailangan.


Naglaan ng P14.7-M ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya para sa pagsasagawa ng programa.

Facebook Comments