P14-billion budget cut sa DOH, hindi makakaapekto sa immunization program ng pamahalaan

Manila, Philippines – Tinapyasan ng P14-billion ang budget ng Department of Health (DOH) ngayong 2019.

Dati ng ipinanukala ng budget department ang P31-billion budget cut sa DOH dahil sa kontrobersyal na barangay health stations project nito na hanggang ngayon ay nakabinbin pa.

Nabatid kasi na 270 units pa lang mula sa target na 5,700 barangay health stations ang natapos noong 2018.


Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III – nauunawaan nila ang hakbang na ito ng Department of Budget and Management (DBM).

Ang mahalaga aniya ay napigilan ito at naibaba sa 14 billion pesos.

Sa kabila nito, tiniyak ng kalihim na hindi makakaapekto ang budget cut sa immunization program ng gobyerno.

Ito ay sa harap na rin ng “measles outbreak” sa ilang rehiyon sa bansa.

Facebook Comments