Itutulak pa rin ng mga transport group ang hirit na itaas sa P14 ang minimum na pasahe sa jeep sa Metro Manila, Central Luzon, at Southern Tagalog.
Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, naka-schedule na sa Mayo ang pagdinig tungkol dito.
Nauna nang isinantabi ng mga transport group ang kanilang pakiusap dahil nangako ang gobyerno na dodoblehin ang fuel subsidy sa P13,000, mula sa P6,500, at palalawakin ang service contracting program.
Dagdag pa ni Martin na naiintindihan nila ang pagsususpinde ng mga payout dahil sa disbursement ban ng Commission on Elections (COMELEC) ngunit may mga lungsod na nangangailangan ng pagtaas ng pamasahe dahil sa pabago-bagong presyo ng gasolina.
Samantala, sinabi naman ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na malayo pa sa kabuuang bilang ng target beneficiaries ang mga nabigyan ng fuel subsidy ng pamahalaan.