Aabot sa P15.35 milyong ang naibigay ng Government Service Insurance System (GSIS) bilang insurance payout sa lokal na pamahalaan ng Maynila.
Pinangunahan ito ni GSIS Executive Vice President (EVP) for Core Business Sector Nora Malubay kasama si Manila Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na naganap nitong ika-1 ng Hulyo sa Manila City Hall.
Ito ay bilang insurance claim payment para sa Gregorio Del Pilar Elementary School at CENTEX Elementary School Manila na una nang nasunod.
Labis naman ang pasasalamat ni Vice Mayor Lacuna-Pangan dahil sa tulong upang mapaayos ang paaralan.
Maliban sa kanila, present din sa signing ang mga GSIS Insurance Group personnel: Claims Department Manager Nelo Gellaco; Marketing Department Manager Maria Rosanna Sanchez; Vice President and OIC Joseph Philip Andres; Marketing Officer Marco Apollo Antonio at si Manila City Prosecutor Rey Bulay.