Iginiit ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi napunta sa korapsyon o ibinulsa ang 15 bilyong pisong pondo nito.
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Rey Baleña, natagpuan na ang nawawalang pondo, at ito ay ginamit ng 711 na healthcare facilities bilang pangtugon sa COVID-19 pandemic.
Nili-liquidate na rin aniya ang pondo ng mga nakatanggap kung saan mayroong ₱2 bilyon pang nakabinbin.
Aabot na sa 87% o kabuuang 13.03 billion pesos ang na-liquidate ng mga ospital.
Nakikipagtulungan ang PhilHealth sa imbestigasyon at may ilang indibiduwal ang nakasuhan.
Facebook Comments