P150 milyung halaga ng asukal, naharang ng Bureau of Customs

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Subic ang nasa P150 milyung halaga ng asukal sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City, Zambales.

Ang nasabing mga asukal na nasa 30,000 sako ang bilang ay hindi ideneklara ng dumatong sa Subic Bay Freeport Zone kung saan naka-imbak ito 58 container.

Dahil dito, agad na nag-isyu si District Collector Maritess Martin ng Pre-Lodgment Control Orders at Alert Orders matapos malabas ng kautusan ang Department of Agriculture (DA) hinggil sa mga nasabing shipments.


Mismong si Customs Commissioner Bienvenido Rubio at DA Assistant Secretary James Layug kasama ang ilang opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang nanguna sa pag-iinspeksyon sa mga nadiskubreng asukal kung saan giit ng pinuno ng BOC, malaki ang malulugi sa ekonomiya ng bansa sakaling makarating ito sa merkado.

Bukod dito, siniuri ng Customs ang dalawang containers ng squid rings kung saan nadiskubre ang mga mis-declared assorted frozen meat products na halos P40 milyun ang halaga.

Kaugnay nito, maglalabas ng kautusan ang BOC para kumpiskahin at hindi na makalabas pa ang mga naturang meat products.

Facebook Comments