P1,500 incentive, matatanggap ng mga kwalipikadong guro ngayong buwan – DepEd

Matatanggap na ng mga kwalipikadong guro ngayong buwan ang ₱1,500 para sa kanilang medical check-up allowance at World Teachers’ Day incentive.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Annalyn Sevilla, pinoproseso na ang 400 million annual medical examinations na nagkakahalaga ng P500 bawat guro.

Kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong araw, October 5 ay matatanggap ng mga guro ang kanilang ₱1,000 incentive kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day.


Nasa ₱919.8 million ang na-download at pinoproseso na para sa mga guro.

Bukod dito, inaasikaso na rin ng DepEd ang October payroll kung saan hinihintay nila ang guidelines sa ilalim ng Bayanihan law.

Naglaan na rin ang DepEd ng nasa ₱1.031 billion para pondohan ang learning resources ng mga guro.

Mayroon ding karagdagang pondo para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) para sa division offices na nagkakahalaga ng ₱450 million.

Facebook Comments