P154-M COVID field hospital sa Quirino Grandstand na kayang mag-accommodate ng 330 pasyente, target matapos sa loob ng dalawang buwan

Umarangkada na ang pagtatayo ng MANILA COVID Field Hospital sa open field area sa harap ng Quirino Grandstand sa Maynila.

Sa interview ng RMN Manila kay Department of Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, inaprubahan na ng Department of Tourism at National Parks Development Committee (NPDC) na namamahala sa Rizal Park ang pagtatayo ng field hospital kung saan nasa 330 pasyenteng may ‘mild to moderate COVID-19 symptoms’ ang kayang magamot.

Bukod dito, pinayagan din na pansamantalang gawing drive-through vaccination center ang Quirino Grandstand na kayang makapag-accommodate ng 350 hanggang 450 indibidwal.


Ang P154 million field hospital ay inaasahang matatapos sa loob ng dalawang buwan.

Facebook Comments