Tinanggap ng 86 sambahayan sa Balaoan, La Union ang tig P10,000 na tulong pinansyal mula sa Quick Response Fund ng bayan matapos maapektuhan ng Bagyong Emong.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa datos ng Municipal Social Welfare and Development Office at tinukoy na may-ari ng mga totally damaged na tahanan dahil sa bagyo.
Dinagdagan din ng lokal na pamahalaan ang halagang tinanggap ng mga ito bilang panimula mula sa sakuna.
Kabilang ang bayan sa lubhang pinadapa ng Bagyong Emong na nakaapekto sa nasa 13,000 pamilya mula sa 36 barangay.
Samantala, bukod sa pondo mayroon pang shelter assistance ang handog ng Department of Human Settlements and Urban Development kalakip ng napunan na Beneficiary Eligibility Sheet, litrato ng nasirang bahay at Valid ID.
Maaaring makipag-ugnayan sa mga lokal na opisina ng Social AND Welfare Development sa mga bayan upang maalalayan sa proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









