Tuesday, February 17, 2026

P16-M na halaga ng ari-arian, tinupok ng sunog sa Muntinlupa City

Tinatayang aabot sa P16 milyon ang halaga ng mga natupok na ari-arian sa sunog na sumiklab sa Muntinlupa City.

Natupok ang ikalawang palapag ng Royal Indian Curry House na pag-aari ng isang Tristan Kumar sa Filinvest Avenue, Acacia Hotel, Brgy. Alabang.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na idineklarang under control makalipas ang ilang minuto.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naturang sunog habang inaalam pa ni SFO3 Mark Gil Bielma ang sanhi ng sunog.

Facebook Comments