Manila, Philippines – Pinagmumulta ng Philippine Competition Commission (PCC) ng 16-milyong piso ang Grab Philippines at Uber.
Ayon kay PCC Commissioner Stella Quimbo – ito ay dahil sa paglabag ng naturang raid-hailing company sa merger interim measure ng komisyon.
Aniya, bigo ang Grab PH at Uber na magkaroon ng hiwalay na operasyon bago naaprubahan ang merger ng dalawang kompanya.
Nabatid na april 8, 2018 nang tumigil sa operasyon ang Uber o bago pa mag-isyu ang PCC ng utos na ituloy ang serbisyo nito habang nagsasagawa ng rebyu sa merger transaction.
Ayon naman kay Grab PH Public Affairs Head Leo Gonzales – pag-aaralan muna nila ang PCC order para malaman kung anong legal option ang pwede nilang gawin.
Nauna nang pinagmulta ng LTFRB ang Grab PH ng P10-million dahil naman sa umano ay sobra-sobrang paniningil sa mga pasahero nito.