Nakumpiska ng Police Regional Office sa mga operasyon nito ang kabuuang 2,988 na ipinagbabawal na paputok na nagkakahalaga ng Php 175,098.00 sa buong rehiyon noong Holiday Season.
Ayon sa PRO1, nagkaroon ng pagbaba ng insidente na may kaugnayan sa paputok sa panahon ng holiday season ng 2024 kumpara noong 2023.
Sa tala, Bumaba ng 66% ang mga insidente ng firecracker-related accidents mula 2023 hanggang 2024 sa Region 1. Noong 2023, nagtala ng 283 insidente, samantalang noong 2024, bumaba ito sa 96.
Ang pagbaba umano ng naturang bilang ay dahil sa pinaigting na hakbang sa seguridad na ipinatupad ng kapulisan sa rehiyon at sa mga inisyatibo ng komunidad na nag-ambag sa mapayapang selebrasyon ng Bagong Taon.
Pinasalamatan ni Regional Director PBGEN Lou Evangelista ang komunidad sa kanilang kooperasyon at responsableng pag-aksyon sa buong holiday season.
Pinuri rin niya ang mga miyembro ng kapulisan na nagsikap upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat isa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨