Namahagi ang European Union ng nasa P18 million na halaga ng tulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng malawakang pagbaha at pag-ulan sa Visayas nito lamang mga nakaraang linggo.
Ayon sa EU, layunin nilang magpaabot ng tulong gaya ng pagkain at kabuhayan, pati na rin ang pag-access sa mga supply ng malinis na tubig at mga sanitation facilities.
Anila, ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya sa ilan sa mga distritong pinakamahirap na tinamaan sa Eastern Visayas.
Matatandaan sa datos ng NDRRMC, umabot sa halos 1.3 milyong katao ang naapektuhan at nasa kabuuang 76,312 ang lumikas sa 167 evacuation centers sa Visayas.
Facebook Comments