P18 million na smuggled na sibuyas, nakumpiska ng BOC sa CDO

Aabot sa P18 million na halaga ng smuggled na sibuyas ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Cagayan de Oro (CDO).

Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, nagmula ang nasabing kargamento sa China na idineklarang “soft tortilla wraps” at naka-consigned sa Primex Export and Import Producer.

Ayon naman kay Customs Intelligence and Investigation Service director Jeoffrey Tacio, nakatanggap ang kanilang CDO field station ng impormasyon tungkol sa pagpapadala ng mga posibleng misdeclared agricultural products.


Nang matanggap ang nasabing impormasyon, hiniling ng field station chief sa CDO port ang pagpapalabas ng pre-lodgment control order (PLCO) laban sa mga kargamento mula sa opisina ni CDO District Collector Elvira Cruz.

Sa pagsusuri sa Mindanao International Container Terminal Services Inc., Customs district collector, sub-port collector, mga ahente ng Bureau of Plant Industry at iba pa ay natuklasang smuggled nga ang naturang kargamento.

Sa ngayon ay inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa consign nito.

Facebook Comments